Senado nagpasa ng resolusyon bilang pagpaparangal sa Iglesia Ni Cristo
Nagpasa ng resolusyon ang Senado bilang pagkilala sa ambag ng Iglesia ni Cristo sa lipunan lalu sa pagtulong sa mga mahihirap.
Sa Senate Resolution 806 na inendorso ni Senador Juan Miguel Zubiri kung saan co-author ang lahat ng Senador, sinabi nito na mahalaga ang mga ginagawang outreach program ng INC gaya ng Lingap sa Mamamayan, Worldwide Walk, Medical at Dental mission para tulungan ang mga hindi naabot ng ayuda ng pamahalaan.
Saludo aniya ang Senado sa INC dahil hindi lang pagtuturo ng pananampalataya at kagandahang asal ang hinagawa ng INC kundi tumutulong sa pamahalaan lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
Kinilala rin ng Senado ang matagumpay na pamumuno ni Ka Eduardo V. Manalo katunayang umabot na sa may 143 ang mga bansa at teritoryong nakarehistro ang INC.
Ulat ni Meanne Corvera