Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang, sinibak na ng Malakanyang
Inalis na sa pwesto si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang ilang buwan matapos nitong ilabas ang umano’y mga bank transactions ni President Rodrigo Duterte at ng pamilya nito.
Mismong si Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang nagkumpirma sa pagkakasibak ng opisyal.
Batay sa inilabas na desisyon ng Office of the President na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nakitaan si Carandang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Betrayal of Public Trust.
Inabswelto naman ng Office of the President si Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman at iba pang miyembro ng Office of the Ombudsman’s field investigation unit dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.
Ang pagkakasibak kay Carandang ay base sa isinampang reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption matapos nitong isapubliko ang umano’y milyones na mga bank transactions ng Pamilya Duterte.
Ulat ni Vic Somintac