Clean Air Act na naipasa 20 taon na ang nakalilipas, nangangailangan na ng pagpapaunlad
Dalawampung taon na ang nakalipas mula noong naipasa ang Clean Air Act o ang RA 8749, ngunit hanggang sa ngayon nananatili pa ring suliranin ang Air Pollution.
Bagaman, hindi naman maitatanggi na ginagawan naman ng pamahalaan na ito ay masolusyon.
Ilan sa accomplishment sa Clean Air Act ay ang pagkakalagay ng Air quality monitoring stations sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila at sa iba pang siyudad.
Nakatulong ito upang ma-monitor ang pagbuti o pagsama ng kalagayan ng hangin.
Ngunit sa pag-aaral ng Health Care without Harm o HCWH- Asia, malaking pinsala pa rin sa kalusugan ang hanging nalalanghap sa kapaligiran
Mr. Paeng Lopez, Health energy initiative campaigner, HCWH-Asia
“Ang unang-una ay ang ating batas ay 20 taon na , ung ating clean air act at ito ay nangangailangan na ng improvement, ibig sabihin ung kalidad na ibinibigay sa atin nung clean air act 20 years ago, at ang kalidad ng hangin na ito ay nagbabago d ba? kung kaya kailangan natin talagang ma- improved ang Clean air act .”
Samantala, ayon naman sa World Health Organization o WHO, 4.2 milyong katao sa buong mundo ang namamatay sanhi ng outdoor o ambient air pollution.
Ulat ni Belle Surara