Coco levy fund, aprubado na sa Bicameral conference committee

Lumusot na sa Bicameral conference committee ang panukalang batas para sa pagbuo ng 100 billion coconut levy trust fund para sa may 3.5 milyong magniniyog sa buong bansa.

Sinabi ni Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture na nagkasundo ang Kamara at Senado na ang trust fund ay i-i-invest sa treasury bills na tinatayang kikita ng three percent kada taon.

Aabot aniya ngayon sa 105 billion ang trust fund kung saanang investment ay maaring tumagal ng 25 taon.

30 percent ng kikitain ay ilalaan sa Shared facilities, 15 percent sa scholarship program,, 15 sa Empowerment ng coconut farmer organizations at mga kooperatiba, 30 sa pagpapalago ng sakahan habang 10 percent para sa health benefits ng mga magniniyog.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *