Mahigit 7 milyong halaga ng mga party drugs at shabu, nasabat sa Drug buy-bust operation sa Quezon City
Nasabat sa isinagawang drug buy -bust operation ng pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA – Camanava at QCPD Station-10 ang aabot sa higit pitong milyong pisong halaga ng party drugs at shabu sa Quezon City kagabi..
Nagkasa ng buy -bust operation ang mga operatiba sa Barangay Obrero, QC na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga target na sina Hazel Grace Antonio, 21 years old, Rafael Antonio- 21 years old, at Warren Echano -34 years old.
Nagpangap na poseur buyer ang isa sa mga operatiba at ng magkaroon na ng pagkakataon dito na pinasok ang tahanan ng mga suspect.
Nasabat sa mga ito ang 2,756 na piraso ng tableta ng ecstasy na aabot sa 4,134,000 pesos, 248 piraso ng ecstacy capsule na nagkakahalaga ng four hundred ninety six thousand pesos, walong 1,300 ml na bote ng liquid ecstacy na nagkakahalaga ng two hundred fifty thousand pesos, anim na litrong liquid ecstasy na nakalagay sa puting container at 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng six hundred eighty thousand pesos.
Ayon kay NCRPO Chief Police Supt. Guillemo Eleazar karamihan sa mga parokyano ng mga suspect ay ang mga madalas magpunta sa mga party o bar.
Malaking kawalan anila ito sa mga supplay ng droga sa mga bars sa Quezon City.
Mas lalo pa anilang pinaigting ang pagmamanman sa mga ganitong uri ng organized crime kung saan nagmula sa ibang bansa ang mga droga.
Itinuturing nilang malaking accomplishment ito ng PNP lalo na ang paglaban at pagsugpo sa mga illegal na gamot.
Mahaharap naman sa kasong paglabag ang mga naarestong suspect sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs of 2002.
Ulat ni Earlo Bringas