Judge na nag-isyu ng arrest warrant laban kina NAPC Secretary Liza Maza at tatlong iba pang dating militanteng Kongresista, nag-inhibit sa kaso

Nag-inhibit ang Palayan City, Nueva Ecija RTC Judge na nagpalabas ng warrant of arrest laban kina National Anti Poverty Commission Secretary Liza Maza at tatlong dating militanteng kongresista para sa kasong double murder.

Dahil sa pagbitiw ni Judge Evelyn Atienza-Turla sa kaso ay muling ini-raffle ang kaso at ito ay napunta kay Cabanatuan RTC Branch 25 Judge Trese Wenceslao.

Sina Maza at dating Makabayan Partylist Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño, at dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ay akusado sa pagpatay kina Carlito Bayudang noong 2004 at Jimmy Peralta noong 2003 sa Nueva Ecija.

Hindi  malinaw  ang dahilan kung bakit umayaw si Judge Turla sa pagdinig sa kaso laban sa mga militante.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *