Mahigit 100,000 overstaying at distressed OFWs sa Abu Dhabi at Dubai makikinabang sa amnesty program ng UAE

Mahigit isangdaang libong distressed at overstaying OFWs ang makikinabang sa tatlong buwang amnesty program na iniaalok ng gobyerno ng United Arab Emirates.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagsimula ang amnesty program ngayong buwan at magtatapos sa Oktubre.

Sa Abu Dhabi kabuuang 87,706 ang undocumented o overstaying OFWs habang sa Dubai ay 14,400.

Hinimok ni Bello ang mga distressed OFWs na i-avail ang amnesty program para itama ang kanilang status o boluntaryong bumalik ng Pilipinas.

Sa ilalim ng amnesty program na ‘Protect Yourself via Rectifying Your Status,’ lahat ng mga dayuhan na lumabag sa residency regulation ay bibigyan ng pagkakataon na boluntaryong umalis ng UAE nang walang parusa o gawing legal ang kanilang status sa pamamagitan ng pagbayad mga mga required fees.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *