Bagong Ombudsman Samuel Martires, manunumpa na ngayong araw kay acting Chief Justice Antonio Carpio

Manunumpa na ngayong araw si outgoing Supreme Court Associate Justice Samuel Martires bilang bagong Ombudsman.

Isasagawa ang oathtaking ng Martires sa Supreme Court en banc session hall sa ganap na alas nueve ng umaga pagkatapos ng flag raising ceremony ng Korte Suprema.

Si acting Chief Justice Antonio Carpio ang magpapanumpa kay Martires.

Si Martires ang napili ni Pangulong Duterte mula sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council kapalit ng nagretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ayon kay Martires, ilan sa mga ipaprayoridad niya ay ang isyu ng inordinate delays at parking fees para di umusad ang kaso sa Tanggapan ng Ombudsman.

Una na ring inamin ni Martires na mahirap na trabaho ang kanyang kakaharapin pero handa siyang sa mga hamong ito.

Inaasahan na rin ni Martires na maraming magagalit sa kanya at bubusisiin ang lahat ng mga desisyon niya noong siya pa ay Sandiganbayan at SC justice at iuugnay sa pagiging appointee niya ni Pangulong Duterte.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *