Pamahalaan, dapat bumuo ng grupong magpapaliwanag sa publiko tungkol sa Federalismo
Napapanahon na para baguhin ang Saligang Batas….
Sa panayam ng Saganang Mamamayan kay Presidential Adviser on Political Affairs secretary Francis Tolentino, napag-iiwanan na ang Pilipinas sa Asya sa usapin ng Federalismo.
Kaya dapat ay bumuo na ng mga grupo ang pamahalaan para magbigay linaw at paliwanag sa publiko sa kahalagahan ng Federalismo.
Ito ang nakikitang solusyon ni Tolentino sa harap ng pagtutol ng nakararami sa pagsusulong ng Federalismo.
Naniniwala si Tolentino na paliwanag lang ang kailangan ng publiko para maintindihan ang isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas.
“Mas madali kasi ipaliwanag yung hindi mo naiintindihan kaysa ipaliwanag na may alam. Pag natanong mo yung nagpapaliwanag at hindi maipaliwanag, magkaka-buhul-buhol na yung dila nun pero kung maayos yung pagpapaliwanag eh maipapaliwanag ng maayos”.