Pamunuan ng Nayong Pilipino, sinibak ni Pangulong Duterte

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong board ng Nayong Pilipino dahil sa pagpasok nito sa lease contract sa isang foreign company na disadvantageous sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Malakanyang na sa ginanap na cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinahayag nito ang desisyong pagsibak niya sa buong board at management ng Nayong Pilipino.

Ang naging batayan ng Pangulo sa pagsibak nito sa buong board ng Nayong Pilipino ay ang pagpasok nito sa isang kontrata na disadvantageous sa gobyerno.

Inaprubahan ng Nayong Pilipino board ang lease contract nito sa Landing Resorts Philippines Development Corporation na pag-aari ni Casino billionaire na SI Yang Zhihui para gamitin ang 147-ektaryang lupain para sa leisure and theme park kung saan sinasabing malulugi ang gobyerno ng 26 bilyong piso na one-sided lease contract.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *