Dating Senador Bongbong Marcos nagbayad na ng multa sa pagsuway sa Gag order ng Presidential Electoral Tribunal

Nakapagbayad na si dating Senador Bongbong Marcos ng multa para sa pagsuway sa gag order ng Presidential Electoral Tribunal kaugnay sa electoral protest nito laban kay Vice-President Leni Robredo.

Sa Compliance document ni Marcos, sinabi na nakatugon na ito sa kautusan ng PET noong June 26, 2016 na magbayad ito ng 50-libong pisong multa bilang parusa sa hindi pagsunod sa gag order ng tribunal.

Naka-attach sa pleading ni Marcos ang kopya ng official receipt ng bayad.

Bukod kay Marcos,pinagmulta rin ng PET si Robredo dahil sa patuloy na pagsasalita sa publiko ukol sa itinatakbo ng poll protest na paglabag sa gag order.

Sinabi naman ng kampo ni Robredo na tatalima rin sila sa PET at magbabayad sa Huwebes.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *