Publiko, pinag-iingat sa pagpapatuloy na pagpapakawala ng tubig sa mga Dam

 

Halos lahat ng lebel ng tubig sa dam sa bansa ay nagtaasan dahil sa patuloy na pag-ulang dulot ng Habagat.

Sa panayam ng Radyo Agila kay Engineer Danny Flores ng Pag-Asa Hydrometeorology division ng Pag-Asa, nasa 201.8 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam, tumaas ito ng halos 4.37 meters sa loob lamang ng 24 oras.

Walong gates naman ng Binga dam ang binuksan simula pa noong Sabado at anim na gates naman ng Ambuklao dam ang bukas na rin.

Ang Binga-Ambuklao ay sinasalo ng San Roque dam na nakabukas na rin kung saan nasa 284.50 meters ang lebel ng tubig sa ngayon pero dahil sa tumigil na ng bahagya ang pag-ulan, inaasahang bababa na ang lebel nito.

Bukas rin Pantabangan dam sa Nueva Ecija na nasa 201.84 meters sa ngayon, habang ang Magat Dam naman sa Isabela ay nasa 190.01 meters ang lebel ng tubig.

Pinag-iingat din ni Flores ang publiko dahil sa patuloy na pagpapakawala ng tubig sa mga dam na nakadaragdag sa mga pagbaha.

 

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *