Budget hearing, itutuloy pa rin ng Senado

Itutuloy pa rin ng Senado ang budget hearing kahit sinuspinde na ng Kamara ang pagbusisi sa hinihinging 3.757 billion budget ng gobyerno para sa susunod na taon.

Sinabi ni Senador Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance na nais nilang busisiin na ang budget ng mga Departamento bago ito isumite ng Kamara.

Igagalang aniya nila ang desisyon ng Kamara.

Nauna nang sinabi ni House Appropriations Committee chairman Karlo Nograles na sinuspinde ang budget hearing dahil sa hinihinging cash based budgeting.

Pero hindi aniya dapat mabahala ang gobyerno dahil itutuloy naman ng Kamara ang pagtalakay sa panukala sa sandaling maisumite ng DBM ang nirepasong budget proposal.

Iginiit ni Nograles na ang naunang panukala ng DBM na cash-based budgeting mistulang dagdag bawas na nagdagdag ng buwis pero nagbawas ng mge benepisyo .

Tiniyak rin ni Nograles na walang mangyayaring re-enacted budget sa 2019.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *