Malakanyang, naalarma sa pag-ipit ng Kamara sa 2019 Proposed National Budget

Nagulat at naalarma ang Malakanyang sa desisyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na itinigil ang deliberasyon ng 2019 Proposed National Budget na nagkakahalaga ng 3.757 trilyong piso.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque hindi inaasahan ng Malakanyang na mismong mga kaalyadong Kongresista ng administrasyon ang umiipit sa budget deliberation.

Ayon kay Roque hindi pasisindak ang Malakanyang sa pananakot ng mga Kongresista dahil handa ang administrasyon na gumamit ng re-enacted budget kung hindi mapagtitibay ang 2019 proposed national budget.

Inihayag ni Roque magkakaroon mismo ng problema ang mga Kongresista sa kanilang mga pet projects kung magkakaroon ng re-enacted budget dahil nasa kontrol ito ng Malakanyang.

Mismong si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles ang nagsabi na hangga’t hindi ibinabalik ng Malakanyang sa obligated base mula sa cash base ang 2019 Proposed National Budget be hindi ito tatalakayin sa Kamara.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *