Pilipinas , kabilang sa may pinakamataas na bilang ng Asthma related deaths sa mundo ayon sa pag aaral
Sala sa init, sala sa lamig…ito ang madalas na marinig kapag ang isang indibidual ay may Asthma.
Ito ay dahil, kapag mainit ang panahon, kailangang mag ingat ang isang asthmatic dahil malaki ang posibilidad na siya ay hikain, gayundin naman kapag malamig ang panahon.
Sa mga pag aaral, pang siyam ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng asthma-related deaths sa mundo.
Ito ang lumabas na datos mula sa Global asthma report.
Ayon pa sa naturang report, kakulangan umano ng impormasyon o kaalaman ang isa sa itinuturing na dahilan kung bakit mataas ang bilang ng asthma-related deaths sa mundo.
Ang asthma o hika ay isang panghabambuhay na sakit sa baga na hindi na matatanggal.
Maaari itong ikamatay ng pasyente kapag napabayaan.
Pero gayumpaman, ang hika ay nako-control naman at maraming paraan para rito.
Sa pag aaral, kapag ang isang tao ay may Allergic Rhinitis, napakalaki ng porsiyento na siya ay may Allergic Rhinitis din.
Ulat ni Belle Surara