Malakanyang naninindigan sa Cash-based National Budget sa 2019

Hindi yuyuko ang Malakanyang sa kagustuhan ng mga Kongresista na baguhin ang balangkad ng 2019 proposed National Budget na nagkakahalaga ng 3.757 trilyong piso.

Sinabi ni ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang legal na basehan ang gusto ng mga Kongresista na gawing obligation base ang budget mula sa cash base.

Ayon kay Diokno dalawa lang ang maaaring gawin ng Kongreso patibayin ang panukalang budget na hinihingi ng pangulo o ibasura.

Inihayag ni Diokno na kapag tuluyang ibinasura ng mga Kongresista ang 2019 proposed National Budget walang ibang opsyon ang Malakanyang kundi ipatupad ang Plan B gagamitin ang reenacted budget.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *