Illegal quarrying sa Rodriguez at San Mateo Rizal, posibleng sanhi ng matinding pagbaha sa Marikina city
Nagpalabas na ang temporary suspension ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa pagsasagawa ng Quarrying sa San Mateo at Rodriguez, Rizal.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, posible kasing ito ang nagiging dahilan ng mga pagbaha sa Marikina city lalu na kung tuluy-tuloy ang mga pag-ulan.
Ang suspension order ay tatagal hanggang sa mai-evaluate at maimbestigahan ang tunay na sanhi ng pagbaha sa lunsod.
Ang mga mapapatunayang responsable sa pagsasagawa ng illegal quarrying ay haharap sa kasong paglabag sa Clean water act, dahil sa pag-pollute sa mga water bodies at titingnan din nila kung may mga permit ang mga ito sa pagsasagawa ng quarrying.
Nakikipag-usap na rin anya ang DENR sa Office of the field operations upang balangkasin ang mga tamang polisiya sa Quarrying.
“Kung mapapatunayan talagang nakasira sila, pwede natin silang i-compel at ibalik sa vegetation yung kanilang sinira. Kaya nga hindi pa natin naili-lift yung quarrying operations ng Zambales at Rizal dahil babalangkas pa tayo ng magandang polisiya upang maprotektahan ang ating kapaligiran”.
=================