Umano’y 6.8 bilyong pisong halaga ng shabu na nakalagay sa isang abandonadang container sa MICP port sa Maynila, posibleng fake news- Cong. Barbers
Maaaring isang fake news lang ang natagpuang 6.8 bilyong pisong halaga umano ng shabu sa inabandonang container sa MICP Port sa Maynila.
Sa panayam ng Agila Balita, sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Cong. Ace Barbers na kulang sa physical evidence at body of crime ang sinasabi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA batay sa inisyal na pagdinig kahapon ng komite.
Maaari aniyang in-assume lamang o inugnay ng PDEA ang mga magnetic lifters na natagpuan rin sa isang warehouse sa Barangay Francisco Reyes, Gneral Mariano Alvarez sa Cavite sa natagpuang container sa MICP port dahil halos magkapareho ito ng kulay at timbang at ang sistema ng pagkakalagay doon ng shabu.
Kasabay nito, pinagsusumite ni Barbers ang PDEA at Customs ng kanilang mga final investigation report kaugnay sa nasabing isyu para sa susunod na pagdinig.
“Papano natin masisiguro kung shabu yan kung wala tayong nakita. In the absence of the physical evidence at body of crime, eh fake news nga yan”.