Paglabo ng tubig mula sa Ipo Dam, bahagyang nabawasan

Inanunsyo ng Maynilad na bahagyang nabawasan ang turbidity level o ang paglabo ng tubig mula sa Ipo Dam sanhi ng Monsoon rains sa mga nakalipas na araw.

Batay sa water concessionaire, mula sa 866 Nephelometric Turbidity Units (NTU) ay nasa 390 NTU na lamang ang raw water na pumapasok sa kanilang La Mesa treatment plants subalit mataas pa rin ito sa dapat ay 10 hanggang 15 NTU levels.

Tiniyak naman ng Maynilad na ligtas pa rin ang water production na inilalabas ng kanilang planta para sa konsumo ng publiko alinsunod sa Philippine National Standards.

Naging mataas ang konsentrasyon ng sediments o dumi kaya  lumabo ang tubig sa Ipo dam dahil sa matinding ulang dala ng Habagat na pinalakas ng bagyong Karding.

Bunga nito, napilitan ang Maynilad na limitahan ang kanilang produksyon kaya nakararanas ng mahina hanggang sa walang suplay ng tubig ang maraming Barangay sa Bulacan, Metro Manila at Cavite.

Magpapatuloy ang iskedyul ng rotational water supply availability ng kumpanya hanggang sa Biyernes o depende pa kung babalik na sa normal ang Turbidity level sa nabanggit na dam sa Norzagaray, Bulacan.

Maliban sa deployment ng mobile water tankers sa mga apektadong lugar, mayat-maya rin ang pagbibigay ng update ng Maynilad sa pamamagitan ng kanilang official Social Media accounts sa Facebook at Twitter.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *