DOH, nanindigan sa panukalang taasan ang Tobacco excise tax upang mapondohan ang Universal Health care bill
Pagtitibayin umano ng Department of Health o DOH ang kanilang panukala na taasan ang Tobacco excise tax rate sa 90 piso kada pakete ng sigarilyo.
Sinabi ni Health secretary Francisco Duque III na kailangan itong maisakatuparan upang mapondohan ng kagawaran ang gugulin sa Universal Health Care law…
Ayon sa kalihim, , mangangailangan ang ahensya ng 769.55 billion pesos sa unang apat na taon na pagpapatupad ng nasabing batas.
Kapag naitaas ang presyo ng sigarilyo, maaari umanong makalikom ng 37.2 billion pesos ang kanilang panukala upang mapunan ang pondo sa pagpapatupad ng UHC law.
Ulat ni Belle Surara
Please follow and like us: