Health advocates nanawagan sa publiko na suportahan at makilahok upang maipasa na agad ang Universal Health Care bill
Pagtitibayin umano ng Department of Health o DOH ang ang kanilang panukala na taasan ang Tobacco Excise tax rate sa 90 piso kada pakete ng sigarilyo.
Sinabi ni Health secretary Francisco Duque na kailangan itong maisakatuparan upang mapondohan ng kagawaran ang gugulin sa Universal Health Care Law.
Ayon sa kalihim, , mangangailangan ang ahensya ng 769.55 billion pesos sa unang apat na taon na pagpapatupad ng nasabing batas.
Kapag naitaas ang presyo ng sigarilyo, maaari umanong makalikom ng 37.2 billion pesos ang kanilang panukala upang mapunan ang pondo sa pagpapatupad ng UHC law.
Samantala, nanawagan naman si Mr. Ralph Emerson Degollacion ang Project manager ng Health Justice Philippines sa publiko at sa mga health advocates na tumulong at suportahan ang Universal Health Care bill upang ito ay maipasa na.
Mr. Ralph Emerson Degollacion:
“Makilahok tayo sa usapan na ito habang anjan pa yan nakahain pa at kahit na nasaisabataas na yan, tatanungin natin ang ating mga decision makers ang mga putiliko natin dahil minsan sasabihin nila. Ngayon, kasi mag e election, lahat sila, talagang gustong gusto yung mga ganyang usapan—pero makalipas ang election at anjan na ho ulit sila, minsan nagkakalimutan”
Ulat ni Belle Surara