Mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, inatasan ng Malakanyang na bumuo ng malinaw na patakaran kung may aberya sa Airport

Inatasan ng Malakanyang ang Department of Transportation, Manila International Airport Authority at Civil Aviation Authority of the Philippines na maglatag ng contingency plan para hindi na maulit ang pagdagsa ng mga pasahero sa airport dahil sa pagsadsad ng Xiamen Airline.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque dapat na pag aralan ng DOTR ang panulala ng pitong conglomerate na magtayo ng isa pang bagong airstrip malapit sa may Okada hotel sa Pasay City.

Balak ng mga conglomerate na gayahin ang airport sa Malaysia kung saan mayroong nagkokonektang train mula sa Domestic patungong International airport.

Ayon kay Roque may ginagawa na ring expansion sa Clark airport para makapag accomodate ng mas maraming flights.

Inihayag ni Roque pinamamadali na rin ng Malakanyang ang kontruksyon ng bagong airport sa Bulacan.

Niliwanag ni Roque na ginawa naman ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan Ang lahat para maresolba ang problema dahil hindi naman sinadya ang insidente.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *