Libu-libong pasahero stranded pa rin sa NAIA
Libo-libo pa ring pasahero ang stranded ngayon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ito’y kahit naalis na ang nabahurang eroplano ng Xiamen airlines.
Sinabi ni Ed Monreal, General Manager ng Manila International Airport Authority o MIAA na hindi niya na masagot ngayon bakit nagkakaroon pa rin ng delay o kanselasyon sa biyahe ng mga Airline companies.
Ayon kay Monreal, matapos mai-alis ang eroplano, umaabot na sa 600 flights ang nakapag-take off at inaasahan na nilang magno-normalize na ang sitwasyon.
Sa ngayon, kailangan aniyang sagutin ng mga Airline companies ang pagkain at accomodations ng kanilang mga pasahero na nakararanas pa rin ng delay.
Sa ngayon, kanselado ang apat na flights ng Air Asia patungo sa Cebu at pabalik ng Manila, Manila to Palawan, Manila to Iloilo at Manila to Caticlan.
Kanselado rin ang pitong flights ng Cebu Pacific na Manila to Bacolod, Manila to Iloilo, Manila to Legazpi, Manila to Butuan, Manila to Cebu at Manila to Cagayan de Oro at lahat ng kanilang biyahe pabalik ng Metro Manila.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: