Korte Suprema ibinasura ang apela ni Senador Leila de Lima na makadalo sa oral arguments sa petisyon laban sa ICC withdrawal

Ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng nakakulong na si Senador Leila de Lima na makadalo ito sa oral arguments sa mga petisyon laban sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Sa botong 10-3, hindi pinagbigyan ng mga mahistrado ng Supreme Court ang hirit ni De Lima dahil wala itong bagong argumento na ipinirisinta sa apela nito.

Kaugnay nito, inihayag ng Korte Suprema na tuloy ang oral arguments sa ICC petition sa August 28, Martes sa ganap na alas dos ng hapon.

Una nang tinanggihan ng Supreme Court ang petisyon ng senadora na makaharap at makapaglahad ito ng argumento sa oral arguments.

Ayon sa Korte Suprema, wala silang nakitang ‘compelling reason’ para personal na humarap si De Lima sa oral arguments.

Isa si De Lima sa mga opposition senators na naghain ng petisyon na kumukwestyon sa pagbitis ng gobyerno ng Pilipinas sa Rome Statute ng ICC.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *