SC Justices Teresita de Castro, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin pasok sa shortlist ng JBC para sa pagka -Punong Mahistrado

Inilabas na ng Judicial and Bar Council ang shortlist ng mga kandidato sa pagka- Chief Justice.

Pasok sa shortlist sina Justices Teresita de Castro na nakakuha ng anim na boto, Diosdado Peralta na may anim ding boto at Lucas Bersamin na may limang boto.

Ito ay sa kabila ng impeachment complaint laban sa mga ito na inihain sa Kamara.

Ayon kay JBC Voting Member at Justice Secretary Menardo Guevarra, tinalakay sa deliberasyon ng JBC ang inihaing impeachment complaint laban sa mga mahistrado.

Paliwanag ng kalihim ang paghahain ng impeachment complaint ay hindi sapat para madiskwalipika ang mga SC Justices.

Magiging kaso lang anya ang impeachment complaint kapag ito ay inendorso at pinagtibay ng House committee.

Inihayag naman ni Guevarra na nadiskwalipika naman si Tagum City RTC Judge Virginia Tehano-Ang dahil sa adverse findings at recommendation sa kasong administratibo laban dito.

Inaasahang isusumite din kaagad ng JBC sa Malacañang ang shortlist na pagpipilian ni Pangulong Duterte para maging susunod na Chief Justice.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *