Opposition Senators, pinasasagot ng Korte Suprema kung haharap pa sa Oral Arguments sa ICC withdrawal

Inatasan ng Korte Suprema ang mga senador na naghain ng petisyon kontra sa pag-urong ng Pilipinas sa International Criminal Court na maghain ng written manifestation kung haharap pa ba ang mga ito sa oral arguments.

Ito ay matapos na bigong sumipot ang mga opposition senators sa oral arguments sa petisyon na kanilang inihain sa Supreme Court.

Pinasusumite ng Korte Suprema ang written manifestation ng mga senador kung tutuloy pa ba sila o hindi sa oral arguments bago mag-September 4.

No show ang senator-petitioners sa oral arguments kahapon dahil wala silang abogado matapos na hindi payagan ng Supreme Court ang nakakulong na si Senador Leila de Lima na humarap at makapaglahad ng argumento at magkaroon ng live audio o video feed para ito makalahok.

Itutuloy ang oral arguments sa September 4 kung saan ang Office of the Solicitor General na kumakatawan sa respondents ang maglalahad ng argumento at sasalang sa interpelasyon.

Tanging ang kampo ng Philippine Coalition for the International Criminal Court na isa sa mga petitioner ang sumipot at sumalang sa pagtatanong ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *