Lalaki sa Michigan, nakakalakad ng patalikod dahil sa kakaiba niyang kundisyon
Naging kilala sa tawag na ‘Mr. Plastic’ ang 57-anyos na si Moses Lanham mula sa Michigan, dahil sa hindi pangkaraniwan niyang kakayahan na paikutin ng hanggang 180-degrees ang kaniyang mga binti at tuhod at lumakad nang patalikod.
Nadiskubre ni Mr. Plastic ang kaniyang ‘superhuman ability,’ nang siya ay katorse anyos pa lamang ito noon, habang umaakyat siya sa isang lubid sa kaniyang gym class, ay bigla siyang makabitaw at lumagpak sa sahig.
Noong una ay inakala niyang may nabali sa kaniya, subal’t natuklasan niyang madali lang niyang mai-ikot ang kaniyang lower legs ng 180 degrees at ibalik ulit ito sa dati nang hindi siya nasasaktan.
Lumitaw sa mga isinagawang medical tests, na dahil ito sa double cartilage sa kaniyang balakang, tuhod at bukong-bukong.
Ang kakaibang kakayahang ito ni Moses ay naging daan para ma-break niya ang dalawang World Records, na ang isa ay siya pa rin ang may hawak.
Ito ay ang World’s Fastest Man to Walk with his Feet backwards over a Distance 20 meters.
=================