Pagbalangkas ng batas na makatutulong sa mga magsasaka, dapat gawin ng mga mambabatas sa halip na manawagan sa pagbuwag ng NFA

Hindi na bago para sa National Food Authority  o NFA ang panawagan ng ilang mambabatas na buwagin na ang ahensya at panawagang pagbibitiw ng mga matataas na opisyal nito dahil sa lumalala umanong problema ng bansa sa suplay ng bigas.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, normal na ang istilo na ito ng ilang mga pulitiko dahil sa nalalapit na halalan.

Giit ni Estoperez, hindi alam ng mga ito ang ginagawa ng mga NFA Officials.

Sa halip aniya na ipabuwag ang NFA at magturo ng masisisi, dapat bumalangkas na lamang sila ng mga batas na makatutulong sa mga magsasaka at makapagbibigay motibasyon sa kanila upang maging masigasig sa pagsasaka.

Nakikita nga natin yung limang factor na nagpapahirap din sa atin na dapat ina-address ng mga mambabatas. Una yung Climate Change, yung Population growth, yung Land Conversion may magagawa ba tayo? Meron, may magagawa tayo. Pang-apat, hindi na bumabata yung ating magsasaka, kaya hindi na motivated magsaka eh, may magagawa naman tayo dyan. Eh ang nangyari, pinapabayaan natin itong mga bagay na ito kaya pagdating ng panahon nagtuturuan tayo at nagsisisihan”.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *