LPA sa Silangan ng Samar, nakapasok na ng PAR

Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area na binabantayan ng Pagasa sa silangan ng Visayas.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 1,000 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Hindi naman inaasahang magiging bagong bagyo ang sama ng panahon sa loob ng 24 hanggang 48 oras at posibleng malusaw sa mga susunod na araw.

Samantala, ang bagyo naman na may International name na Jebi ay huling namataan sa layong 3,030 kilometro, Silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran.

Ayon sa Pagasa, kung hindi magbabago ang direksyon at bilis ng bagyo ay papasok ito ng PAR sa  Linggo o Lunes ngunit hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *