Walang pasok ngayong Lunes, Sept. 3
Dahil sa maagang pag-ulan na naranasan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ilang lokal na pamahalaan na ang nagsuspinde ng klase sa kanilang mga lugar ngayong Lunes, September 3.
Suspendido na ang klase sa lahat ng antas public at private sa mga sumusunod na lugar:
– Maynila (all levels, public and private)
– Quezon City (all levels, public and private)
– Malabon (all levels, public and private)
– Navotas (all levels, public and private)
– Marikina (all levels, public and private)
Sa Rizal walang pasok sa:
– Cainta (all levels, public and private)
– Taytay (all levels, public and private)
Simula madaling araw kanina inuulan na ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
At base sa rainfall warning na inilabas ng Pag-asa pasado alas 4:00 ng umaga, yellow warning na ang nakataas sa Camanava, Quezon city, Maynila, San Juan, Marikina at sa lalawigan ng Bataan.
=============