Chief Justice Teresita de Castro tinanggap ang pagbibitiw ni Atty Theodore Te bilang Supreme Court PIO chief
Tinanggap ni Chief Justice Teresita de Castro ang pagbibitiw ni Atty. Theodore Te bilang hepe ng Supreme Court Public Information Office.
Ang termino ni Te bilang tagapagsalita ng Korte Suprema ay coterminous sa napatalsik na Chief Justice na si Atty Maria Lourdes Sereno na nagtalaga dito sa puwesto.
Pero ang appointment ni Te ay pinalawig nang maupo bilang acting Chief Justice si Senior Associate Justice Antonio Carpio at ang kanyang extended appointment ay nilagdaan ng tatlong chairpersons ng Supreme Court kabilang na si De Castro.
Ang extended appointment ni Te ay hanggang sa makapagtalaga ng bagong Punong Mahistrado ng Supreme Court.
Epektibo ang resignation ni Te sa September 7.
Si Atty Maria Victoria Gleoresty Guerra ang magsisilbing acting PIO chief at tagapagsalita ng Korte Suprema sa oras na umalis na si Te sa pwesto.
Si Guerra ay dati na ring acting spokesperson mg Supreme Court sa mga nakaraan.
Ayon sa resignation letter ni Te, siya ay babalik sa pagtuturo full-time.
Una nang nanawagan ang ilang anti-Sereno groups sa pagbibitiw ni Te matapos na mag-tweet ito ng mga salitang “I dissent” nang ipalabas ng Korte Suprema ang desisyon nito na patalsikin si Sereno bilang Punong Mahistrado sa pamamagitan ng Quo Warranto.
Ulat ni Moira Encina