Blood Diseases month, ipinagdiriwang ngayon ng DOH
Ginugunita ng Department of Health o DOH ang Setyembre bilang Blood Diseases month.
Ito ay idineklara ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2009 sa bisa ng Proklamasyon bilang 1833.
Nilayon ng naturang pagunita na itaas pang lalo ang kamalayan ng publiko at maunawaan ang mga tinatawag na blood related diseases.
Ayon sa DOH, napakaraming iba’t-ibang blood diseases, mayroong benign o non cancerous, at ang iba naman ay maaaring ikunsidera bilang uri ng blood cancer.
Ang halimbawa naman ng red blood cell disorder ay anemia, aplastic anemia, sickle cell anemia, at thallasemia.
Payo ng DOH, upang maiwasan ang mga nabanggit na blood diseases mahalagang may check up na isinagawa lalo at may ibang nararanasan ang katawan upang ito ay agad na malapatan ng angkop ng lunas.
Ulat ni Belle Surara