Mga opisyal ng Bureau of Customs iginiit na tunay ang mga x-ray photos na isinumite sa House hearing kaugnay sa bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu na nakasilid sa mga magnetic lifters
Nanindigan ang Bureau of Customs na hindi peke ang X-ray photographs na kuha mula sa mga magnetic lifters na sinasabing naglalaman ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu na isinumite ng kawanihan sa ginanap na pagdinig ng Committee on Dangerous Drugs ng Kamara.
Ang pahayag ng BOC ay pagtutuwid sa pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino sa House hearing na hindi magkakamali ang turuang K-9 Units ng PDEA.
Sa pagdinig ay iginiit ng BOC X-ray expert na si John Mar Morales na walang pagkakaiba sa brown color at sa Black and white scan ng x-ray na ipinupunto ni Marikina City Rep. Miro Quimbo.
Sinabi ni Morales na kung may laman ang magnetic lifters ay magiging itim ang kulay ng bahagi ng x-ray scan kung saan nakalagay ang shabu.
Paliwanag naman ni BOC X-ray Chief Zsae de Guzman na ang Ipinirisinta ni Quimbo ay ang tinatawag na “pseudo-color” scan na nagreresulta ng magkaibang epekto sa imahe.
Ulat ni Moira Encina