Isang lalaki nahulog sa isang 8 ft. deep art installation sa Portgual dahil inakala niyang peke ito
Ang “Descent into Limbo” na nilikha ng kilalang British artist na si Anish Kapoor noong 1992, ay isang optical illusion na mukhang isang black circle na ipininta sa sahig na matatagpuan sa Serralves foundation museum sa Porto, Portugal.
Dinisenyo ito para magmukhang isang bottomless pit, at ang pagtitig dito ay magbibigay sa isang tao ng pakiramdam ng pagkahilo.
Pero isang hindi pinangalanang Italian tourist na bumisita sa naturang installation kamakailan, ang hindi lang nagkasyang tingnan at titigan ang black hole.
Sa kabila ng ilang warning signs at isang staff na ang trabaho ay panatilihing ligtas ang mga bisita, nagawa pa ring makalusot ng lalaki para subukan ang fake-looking pit sa pamamagitan ng pagtapak dito, na naging sanhi para siya ay masaktan matapos mahulog ng walong talampakan, pero nagtagumpay naman siyang ma-satisfy ang kaniyang curiosity.
Ayon sa isang representative ng Serralves foundation museum, isinara muna sa publiko ang “Descent into Limbo” matapos ang nasabing insidente, subalit magbubukas din naman pero may mga dagdag nang safety measures. ang nahulog namang lalaki ay nakarecover na matapos ma-ospital.
Nasorpresa naman ang artist na si Anish Kappor, na ngayon lamang ito nangyari dahil ilang taon na rin kasing pinagdedebatehan ng publiko kung ang descent into limbo ay totoong butas sa sahig o isa lamang simpleng black circle na ipininta gamit ang dark paint, katunayan ang mga bisita ay pinalalagda muna sa isang disclaimer, pero kamakailan nga ay mayroon nang sumubok para patunayan kung totoo ba ito.
==========