Senador Trillanes dapat aminin partikular ang kasong kudeta laban sa kaniya para maging valid ang amnestiya – Justice Sec. Menardo Guevarra

Ang hindi pag-amin ni Senador Antonio Trillanes IV sa kasong kudeta na isinampa laban sa kanya ang pinakamalaking butas sa isyu ng amnestiya na iginawad dito.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi sapat na aminin ni Trillanes na may nilabag siya na mga batas kaugnay sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege

Dapat anyang aminin ni Trillanes ang partikular na kasong inihain sa kanya na kudeta para maging valid ang amnestiya nito

Ayon kay Guevarra, nakasaad mismo sa sirkular ng ad hoc committee na binuo noong 2011 nang gawaran ng amnesty si Trillanes na dapat ispesipikong amininin ni Trillanes na guilty siya sa mga kaso laban sa kanya.

Bukod sa admission of guilt sa kudeta, tinukoy ng kalihim na dapat bawiin ni Trillanes ang anomang pahayag nito na taliwas sa pag-amin na siya ay guilty.

Pero sinabi ni Guevarra na bigo si Trillanes na aminin na may sinseridad na guilty siya sa kudeta na mahalagang requirement para mabigyan ng amnestiya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *