DOJ iginiit na hindi pa tapos ang kasong kudeta laban kay Trillanes; Dismissal order, walang batayan

Nanindigan ang Department of Justice o DOJ na hindi pa tapos ang kasong kudeta laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay kahit na may kautusan ang Makati City RTC na ibasura ang kaso laban kay Trillanes.

Ayon kay Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ang dismissal ng kasong kudeta laban kay Trillanes ay dahil sa amnestiya na iginawad dito noong 2011.

Pero dahil sa idineklara anya sa proklamasyon ni Pangulong Duterte na void ab initio o walang bisa simula’t sapul ang amnestiya kay Trillanes ay walang batayan ang dismissal order.

Dahil dito, sinabi ni Fadullon na ang kaso laban kay Trillanes ay balik sa huli nitong status na para sa promulgation of judgment.

Samantala, nilinaw ni Fadullon na hiniling nila sa korte na magpalabas ng alias warrant of arrest laban kay Trillanes para tumugon sa direktiba sa Proclamation 572 at para maiwasan ang kalituhan sa isyu ng pag-aresto dito ng mga otoridad.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *