Fiji islands, niyanig ng 7.8 magnitude na lindol
Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Fiji , alas-11:49 ng gabi oras sa Pilipinas.
Sa unang impormasyon na inilabas ng United States Geological Survey o USGS, may lakas na magnitude 8.1 ang lindol ngunit ibinaba rin sa magnitude 7.8.
Nnaitala ang episentro sa layong 123 kilometro Timog-Silangan ng Suva at may lalim na 669 kilometro.
Ayon sa Pacific Tsunami warning center, walang inaasahang Pacific-wide tsunami bunsod ng lindol.
================
Please follow and like us: