Petisyon ni Senador Antonio Trillanes, tatalakayin na ng Supreme Court

Inaasahang tatalakayin sa en banc session ng Korte Suprema sa Martes ang inihaing petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa Proclamation 572 na nagpapawalang-bisa sa kanyang amnestiya.

Si Associate Justice Diosdado Peralta ang naitalagang ponente o justice-in-charge sa kaso ni Trillanes matapos ang isinagawang special raffle noong Biyernes.

Sa ngayon ay wala pang ipinapalabas na TRO ang Supreme Court laban sa pagpapatupad ng proklamasyon na hirit ni Trillanes.

Siyam na mahistrado ang inaasahang present sa sesyon dahil nasa official business sa The Hague, Netherlands sina Justices Marvic Leonen, Noel Tijam at Alexander Gesmundo,  naka-wellness leave naman si Senior Associate Justice Antonio Carpio at dalawa ang bakanteng pwesto.

Sa petisyon ni Trillanes, hiniling nito na magpalabas ng Writ of Preliminary injunction o TRO ang Korte Suprema laban sa implementasyon ng Proclamation 572 partikular ang kautusan na ipaaresto siya at ituloy ang mga kaso laban sa kanya.

Nais din ng Senador na ideklara ng Supreme Court na Void ab Initio ang Proclamation 572  dahil sa paglabag sa mga Batas at Konstitusyon.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *