Red alert status, nakataas sa Pangasinan dahil sa paparating na bagyo
Nakataas na ang red alert status sa buong siudad ng Dagupan dahil sa inaasahang paghagupit ng paparating na Super typhoon Ompong.
Kaugnay nito ay pinulong ni Dagupan city Mayor Belen Fernandez at Congressman Christopher de Venecia ang lahat ng mga Punong Barangay upang maihanda ang mga residente sa Barangay na nasa vulenarable areas tulad ng mga nasa coastal areas, island barangay, tabing ilog at mababang lugar na direktang maapektuhan ng bagyo.
Ayon kay Mayor Fernandez, naka-preposition na ang mga Rescue team at mga rescue vehicles, binuksan na rin ang mga 20 Evacuation centers at mga eskwelahan na maaring silungan ng mga residente.
Pinaghahanda rin ang mga Dagupenyo sa posibleng pagkaputol ng kuryente, itali ang mga bubong, iligay sa ligtas na lugar at hindi sa mga open space ang mga sasakyan, mag-imbak ng pagkain na tatagal ng tatlong araw, sinuspende na rin ang klase sa sept. 14 at 15 at pansamantalang isasara ang Tondaligan beach dahil sa ipatutupad na no swimming policy simula bukas hanggang sa matapos ang hagupit ng bagyo.
Inactivate na rin ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council, CDRRMO at quick reaction team na tututok sa panahon ng emergency.
Nanawagan na rin ang alkalde sa mga residente na gawin ang early evacutaion at nakatakda ring ipatupad ang force evacuation upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente nasa mapanganib na lugar.
Hiniling din ng opisyal sa mga vendor at mga negosyante na iwasan ang pagsasamantala at huwag mag-overprice sa kanilang mga produkto habang humahagupit ang bagyo.
Hiniling din ng city government na iwasan ang pamumulitika sa pagtugon sa mga kaylangan ng mga residente.
==========