44 Road sections sarado sa trapiko dahil sa epekto ng bagyong Ompong

Umaabot sa 44 Road sections mula sa apat na rehiyon ang hindi pa rin puwedeng daanan ng mga sasakyan dahil sa epekto ng bagyong Ompong.

Batay sa pinakahuling monitoring ng DPWH, sarado sa motorista ang tatlumput-apat na kalsada sa Cordillera Administrative Region; tatlo sa Region 1; isa sa Region 2; at anim sa Region 3.

Ito ay bunsod ng mga pagbaha, nagtumbahang puno at poste ng kuryente, gumuhong lupa, mudflow, rock debris, washed-out road at mga nasirang slope protection.

Kabilang sa sarado sa Cordillera Administrative Region ang mga pangunahing kalsada papuntang Baguio City gaya ng Kennon Road at Benguet-Nueva Vizcaya Road.

Sa Abra, sarado sa trapiko ang bahagi Abra -Ilocos Norte Road dahil sa road collapsed at damage slope protection at bahagi ng Abra-Kalinga Road dahil naman sa serye ng landslides.

Sa Pangasinan, di pwedeng daanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Pangasinan-La Union Road. Cayanga Bridge Approach “A”

Sa Isabela, di pa madadaanan ang Cabagan-Sta Maria Bridge dahil sa baha.

Ayon sa DPWH, patuloy ang clearing operations ng kanilang mga tauhan sa mga apektadong kalsada at nag-install na rin sila ng mga warning signs.

Nakamonitor din ang lahat ng District Engineering Offices lalo na sa mga flood at slides prone areas.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *