Pangulong Duterte, handang harapin ang COA sa hindi pagsunod sa requirements para mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo
Handang sagutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang pagkuwestiyon mula sa Commission on Audit o COA sa gitna ng mga itinatakda nitong rekisitos bago mailabas ang pondo na gagamitin sa mga nasalanta ng bagyo.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kung sa tingin ng COA ay may nalabag ang Pangulo sa procurement law, saka na lang magpapaliwanag tungkol dito ang Presidente.
Sinabi ni Roque ang mahalaga matugunan ang pangangailangan ng taong bayan sa lalong madaling panahon kaysa unahin pa muna ang mga itinatakdang requirements ng COA.
Ayon kay Roque may post-auditing naman ang COA habang binigyang diin ng Pangulo na dapat matiyak na walang bureaucratic red tape sa paglalabas ng tulong sa taong bayan.
Inihayag ni Roque sadyang maraming limitasyon kung pag-uusapan ay delivery ng humanitarian assistance sa panahon ng krisis at preparado naman ang Pangulong upang ito’y aksiyunan at saka na lang magpaliwanag kung may nilabag sa alinmang COA circular.
Ulat ni Vic Somintac