Senador Pacquaio inalok ni Floyd Mayweather na bumalik sa boxing ring sa Disyembre

                 photo credit: www.express.co.uk

Ikinukunsidera ni Senador Manny Pacquiao na muling makaharap sa boxing ring si Floyd Mayweather Jr.

Kinumpirma ni Pacquaio na nagkita sila ni Mayweather nitong weekend matapos siyang dumalo sa isang event sa Japan at ito mismo ang nag-alok na magharap sila sa boxing ring.

Sabi ni Pacquaio interesado si Mayweather na makuha ang kaniyang welterweight belt na nakuha matapos mapatumba ang boksingerong si Lucas Mattysse sa Malaysia noong Hulyo.

Sa kaniyang instagram account, sinabi ni Mayweather na kahit retirado na, babalik sya sa boxing para labanan si Pacquaio.

Floyd Mayweather:
“I’m coming back to fight Manny Pacquiao this year. Another nine-figure payday on the way”.

Pero nilinaw ni Pacquaio na hindi pa ito done deal.

Gayunman, hindi masabi ng Senador kung mangyayari na ito sa Disyembre dahil pinag-uusapan pa raw ang lugar at ilang mga detalye na maaring maisapinal ngayong Linggo.

Ikinukunsidera rin ni Pacquaio ang kaniyang trabaho sa Senado lalu’t nakasalang na ang panukalang pambansang budget.

Senador Pacquiao:
“Titingnan natin if hindi maaapektuhan ang tarbaho natin .. may break naman ng October hanggang 1st week of November .. within this week ma-finalized na kung saan at kailan /nagmeet kami. Babalik daw siya so pag bumalik siya eh di pwede kami maglaban”.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *