Malacañang mayroon pang 13 bilyong pisong calamity fund para sa bagyong papasok sa bansa ngayong taon
Aabot pa sa 15 bilyong pisong calamity fund mayruon ang pamahalaan para sa 2018.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maituturing na sapat -sapat pa rin itong pondo upang magamit sa mga inaasahang paparating pang mga bagyo na tatama sa bansa.
Ayon kay Roque Ang nabanggit na calamity budget ay naka -antabay lang na magagamit hanggang Disyembre lalo’t batay na rin sa pagtaya ng PAG-ASA ay aabot sa apat hanggang limang bagyo pa ang posibleng manalasa sa bansa bago matapos ang taon.
Nilinaw ni Roque na hindi uubusin ang 15 bilyong piso para sa mga nasalanta ng bagyong Ompong at sa halip 2 bilyong piso lamang mula dito ang gagamitin ng pamahalaan para matulungan ang mga nabiktima ng katatapos lamang na bagyo.
Si Ompong ang ika 15 bagyong tumama sa bansa habang sinabi naman ng PAG ASA na apat hanggang lima pang bagyo ang posibleng pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sa natitira pang higit tatlong buwan ng 2018.
Ulat ni Vic Somintac