Operasyon ng Cebu Pacific sa Tuguegarao, ibinalik na
Ibinalik na ng Cebu Pacific ang kanilang operasyon sa Tuguegarao airport.
Ito ay upang makatulong sa pagdadala ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.
Sa pahayag ng Cebu Pacific, nakasaad na ikinunsidera nila ang pangangailangan ng mga residente sa lugar kaya naman ibinalik na nila ang kanilang operasyon.
Magdadala ang Cebu Pacific flights ng supplies, resources, at humanitarian assistance para sa mga biktima ng bagyo.
Kahapon ay lumipad na patungong Tuguegarao ang isang flight ng Cebu Pacific at Cebgo, habang ngayong araw naman ay nakatakdang lumipad patungo sa lugar ang recovery flight DG6006.
===============