Office of the Solicitor General hiniling sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon ni Senador Trillanes laban sa Proclamation 572

Ipinababasura ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court ang petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa Proclamation 572 na nagpapawalang-bisa sa amnestiyang iginawad dito.

Sa 200-pahinang komento ng OSG, hiniling din nito na gawing permanente ng Korte Suprema ang pagtanggi sa nais na injunction ni Trillanes sa pamamagitan ng pag-dismiss sa petisyon nito.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, inamin mismo ng kampo ni Trillanes sa pagdinig ng Makati City RTC Branch 150 noong September 13 na wala siyang aplikasyon.

Sa halip iprinisinta lang anya ng mga abogado nito ang kopya ng amnesty application form na wala namang laman.

Kasama rin sa mga anyay ‘incriminating evidence’na isinumite ni Trillanes sa hukuman ay ang online news article kung saan inihayag nito na hindi niya inaamin ang pagkakasalang mutiny at kudeta.

Ipinunto ng OSG na pinatitibay lang ng mga ito na may batayan ang pagdideklara ni Pangulong Duterte na walang bisa simula pa noong una ang amnestiya ni Trillanes.

Katwiran pa ng SolGen ang pagbasura ng mga korte sa mga kasong kudeta at rebelyon laban kay Trillanes ay batay sa maling paglalarawan na valid ang amnestiya nito.

Katunayan pa anya ay hindi nakatugon si Trillanes sa utos ng Makati RTC Branch 148 noong 2010 na isumite ang aplikasyon nito sa amnestiya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *