Limang kaso ng smuggling na aabot sa 20.5 million pesos, inihain ng Bureau of Customs sa DOJ

Naghain ng limang kaso ng smuggling ang Bureau of Customs sa DOJ laban sa ilang importers at customs broker dahil sa pagpupuslit ng mga kargamento na aabot sa 20.5 million pesos.

Una sa kinasuhan ng large-scale agricultural smuggling ang mga opisyal ng Malaya Multi-Purpose Cooperative na sina Oscar G. Catacutan, Mario Briones, Eddie Lalu, Randy Turla, at Alfredo Guevarra at ang customs broker nito Mary Faith Duran Miro dahil sa misdeclaration ng 2.5 million pesos na halaga ng sibuyas, mansanas at peras.

Ayon sa BOC, itinago ng Malaya ang mga sibuyas sa mga kahon ng mansanas at peras sa apat na container.

Ikalawa sa sinampahan ng reklamong kriminal si Stanley Tan na may-ari ng 9.4 million pesos ng shipment ng pekeng brand ng sigarilyo at iba-ibang beauty products.

Ang ikatlong kaso ay inihain laban kay Samuel M. Alvarado, presidente at major stockholder ng Pherica International Corporation at customs broker nito na si Nazario S. Maglanque dahil sa pagaangkat ng plush toys na walang kaukulang import permit mula sa FDA.

Ang ikaapat na kaso ng smuggling ay isinampa ng BOC laban kay Tayuan Malingco, may-ari ng IT Malingco at ang customs broker na si Erlinda Dumalaog dahil sa pag-aangkat ng foodstuff, air freshener, shampoo at iba pang produkto na nagkakahalaga ng 6.5 million pesos na wala ring permit mula sa FDA.

Panghuli sa kinasuhan si Marnie Seguiran, may-ari ng Power Buster Marketing dahil sa pag-aangkat ng 1.6 million pesos na halaga ng mga fireworks at firecracker na idineklara bilang mga footwear.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *