Pangulong Duterte naglabas na ng mga kautusan para mapababa ang presyo ng mga agricultural products
Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kautusan na magpapababa sa presyo ng mga agricultural products sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inilabas ng pangulo ang Administrative Order number 13 para mapadali ang proseso ng pag-aangkat ng food product upang dumami ang supply ng pagkain na magbibigay daan para bumababa ang presyo sa merkado.
Ayon kay Roque inilabas din ng pangulo ang memorandum order number 26 na nag-aatas sa department of agriculture at department of trade and industry o dti para mabawasan ang agwat ng farmgate prices sa retail prices ng mga agricultural products.
Inisyu ng pangulo ang memorandum order number 27 na nag-aatas sa department of agriculture, department of interior and local government, metropolitan manila development authority at philippine national police na tumulong sa mabilis na delivery ng mga imported agricultural foods products mula sa mga port area.
Inilabas din ng pangulo ang memorandum order number 28 na nag-aatas sa national food authority o nfa ang mabilisang pagpapalabas ng supply ng NFA rice sa mercado.
Inihayag ni Roque ang takbo ng presyo ng mga bilihin ay nakabatay sa law of suppy and demand.
Niliwanag din ni Roque ang mga kautusan na nilagdaan ng pangulo ay katunayan na may ginagawang hakbang ang gobyerno para pababain ang presyo ng mga agricultural products sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac