Hindi pagtalima ng mga lokal na pamahalaan sa Geo Hazard map, iimbestigahan ng DENR matapos ang mga serye ng landslide

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang alamin kung may pagkukulang ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa nangyaring landslide sa Quarry site sa Naga City Cebu.

Ayon kayDENR Undersecretary for Solid Waste management Benny Antiporda ang nangyari aniya ay bumigay yung tubig na naipon sa bitak sa bundok at ito ang nagpalambot at nagpahina sa pundasyon ng bundok kaya gumuho ang ilang bahagi ng kabundukan.

“Sad to say ang paggapang ng silt, napunta roon sa pupulated area hindi dun sa area kung saan ay nag-evacuate tayo ng mga tao kung kaya’t ang daming nadisgrasya dyan”.

Samantala, sinabi pa ni Antiporda na dapat bigyan ng pansin at pahalagahaan ang mga Geo hazard map na itinalaga ng DENR.

Sakali aniyang masumpungang may paglabag ang mga lokal na pamahalaan sa mga Geo Hazard map ay dapat papananagutin ang mga ito.

“Ito yung magpapatunay na nagpabaya sila sa kanilang tungkulin kung kaya’t may pananagutan sila sakaling hindi nila bigyan ng pansin yan”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *