Alternatibong pagkakakitaan para sa mga nawalan ng trabaho sa gumuhong minahan sa Itogon Benguet, pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan

Hindi na umaasang makakakuha pa ng survivor sa landslide area sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, bagamat tuluy-tuloy ang operasyon, retrieval operations na lamang ang kanilang ginagawa.

Sa kasalukuyan, aabot nasa 113 ang mga namatay sa buong Itogon Benguet dahil sa bagyong Ompong at nasa 19 pa ang nawawala.

Batay aniya sa direktiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte, tuluy-tuloy pa rin ang retrieval operation hangga’t hindi pa nahahanap ang mga nawawala.

Bukod sa retrieval operation, nanawagan ang alkalde sa mga ahensya ng Gobyerno upang matulungan ang mga nawalan ng hanapbuhay mula sa mahigit sampung libong unregistered small scale mining sa Itogon.

Problema talaga dahil mawawalan ng kabuhayan yung mga small scale miners. Dito lang sa Itogon, aabot sa 10, 154 ang mga registered small scale miners. Yun ang pinaghahandaan namin ngayon at sana magtulung-tulungan ang mga ahensya ng gobyerno para mabigyan sila ng aletrinatibong hanapbuhay”.

 

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *