NDDRMC, nananatiling naka-red alert

Hindi nagbababa ng alerto ang Emergency operation center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) lalu na ngayong may bagyo sa loob ng bansa.

 

Sa panayam ng Radyo Agila kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, naka-red alert pa rin sila bago pa man dumating ang bagyong OMpong hanggang ngayon na on-going ang rescue operation sa mga landslide areas sa Benguet at Cebu at patuloy pa ang kanilang paghahanda sa bagyong Paeng.

 

Tiniyak aniya sa kanila ng mga Department agencies gaya ng DSWD at DILG na nakahanda ang kanilang mga ayuda o ibibigay na tulong sa mga mamamayang apektado ng mga kalamidad at mga mangangailangan pa.

Naka-red  alert po tayo, ibig sabihin, andun lahat ng mga essential agencies na magpo-provide ng response. Kung hindi ako nagkakamali ang kanilang standby funds sa bagyong Paeng ay 1. 4 Bilyong piso kasama na dito ang iba’t-ibang tulong gaya ng mga food at non-food items”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *